MANILA – Ibinasura na ng Court of Appeals ang Writ Of Amparo Petition na inihain ni lowell menorca ii laban sa matataas na opisyal ng Iglesia ni Cristo (INC).Batay sa 13-pahinang resolusyon ng CA Seventh Division noong April 21, 2016 na isinulat ni Associate Justice Victoria Isabel Paredes, pinaboran nito ang Omnibus Motion na inihain ng INC na ibasura ang petisyon ni Menorca dahil sa pagiging moot and academic.Ayon sa CA, wala nang saysay at pag-aaksaya lang din sa panahon at resources ng hukuman na ipagpatuloy ang pagdinig sa petisyon dahil umalis na ng pilipinas si Menorca kasama ang pamilya nito.Paliwanag pa ng CA, ang Writ of Amparo Petition ay ipinagkakaloob lamang para sa mga kaso ng extrajudicial killings at enforced disappearances.Layunin ng nasabing remedyo anila na tugunan ang mga seryosong paglabag o banta sa buhay, kalayaan at seguridad.Dahil dito hindi maaring ipalabas ng korte ang Writ of Amparo para sa mga kasong walang malinaw at matibay na batayan at mga ebidensya at kung hindi na nagpapatuloy ang umano’y banta sa mga petitioners.Dagdag pa ng CA, ang Writ of Amparo ay hindi basta-basta iniisyu ng korte para hindi lumabnaw ang layunin nito na itinuturing na isang extraordinary writ.Bukod rito, Ibinasura rin ng CA ang petisyon ng kampo ni Menorca na ilagay sa archive ang kaso imbes na idismiss ito.Hindi kasi napatunayan na banta sa buhay ng pamilya ang dahilan ng agaran nilang pangingibang bansa.Wala ring nakitang katangap-tanggap na rason ang korte kung bakit biglang no show ang mga ito sa pagdinig ng kanilang petisyon.
Writ Of Amparo Petition Na Inihain Ni Lowell Menorca Ii Laban Sa Matataas Na Opisyal Ng Iglesia Ni Cristo – Ibinasura Na
Facebook Comments