Writ of Amparo petition ng National Union of Peoples’ Lawyers, binasura ng Court of Appeals

Binasura ng Court of Appeals ang Writ of Amparo petition na inihain ng National Union of Peoples’ Lawyers.

 

Ayon sa Appelate Court, hindi napatunayan ng NUPL na nagkaroon nga ng pag-abuso sa karapatang pantao ang Pangulong Duterte.

 

Hindi rin anila napatunayan ng petitioners na nagdeklara nga ang pangulo na patayin ang mga rebeldeng komunista.


 

Nangangahulugan ito na walang matibay na basehan ang akusasyon ng NUPL hinggil sa  sinasabing harrassment  sa kanila ng Duterte administration at ng militar.

 

Bigo rin daw ang mga respondent na patunayan na ang kanilang right to privacy ay nalabag kaya ang ibinasura ang kanilang hirit na Writ of Habeas Data.

 

Ang petisyon ay orihinal na inihain ng NUPL sa Korte Suprema, Pero iniutos ng Supreme Court na dinggin ito ng CA.

 

Nagpasaklolo ang NUPL sa Korte Suprema matapos makaranas daw ng pagbabanta at panghaharaas mula sa militar at pag-ugnay sa kanila sa CPP-NPA.

 

Bukod kay Pangulong Duterte, respondent din sa petisyon sina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr at iba pang mga opisyal ng militar.

Facebook Comments