MANILA – Naghain sa Korte Suprema si Sen. Leila De Lima ng petisyon para sa writ of habeas data laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.Hiling ng Senadora na pigilin ng SC ang Gobyerno sa iligal na pagkuha at paggamit ng impormasyon laban sa kanya.Ayon kay De Lima, inaabuso ni Pangulong Durterte ang kapangyarihan nito para sa personal nitong kagustuhan na gantihan siya dahil sa pagiging Chairperson noon ng Commission on Human Rights na nag-imbestiga sa Davao Death Squad noong Alkalde pa ang PANGULO.Sinabi ng Senadora na dumami noon ang kanyang kaaway, pero lalaban na siya ngayon dahil sawa na siyang maging biktima.Aminado si De Lima na lubha siyang naapektuhan ng mga ibinabatong akusasyon laban sa kanya ngayon Ng Administrasyong Duterte kaya hindi na siya papayag lalo na ang isyu ng kanyang pagkababae.
Writ Of Habeas Data Laban Kay Pangulong Rodrigo Duterte, Inihain Ni Sen. Leila De Lima Sa Korte Suprema
Facebook Comments