Manila, Philippines – Isa nang super typhoon ang papalapit na bagyo sa Pilipinas.
Sa ulat ng international weather agency na Joint Typhoon Warning Center (JTWC) – malakas ang hanging dala ng bagyo na may international name na “Wutip.”
Bagama’t maliit ang tyansang tumama ang bagyo sa kalupaan ng bansa, patuloy itong mino-monitor ng pagasa para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,725 kilometers silangan ng Bicol Region.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 KPH at pagbugsong 225 KPH.
Sa kasalukuyan, ulan lang ang aasahan ng mga taga-Northern Luzon habang wala itong epekto sa iba pang bahagi ng Pilipinas.
Facebook Comments