Xander Ford, nagpapa-buff na para sa summer

Muling nagtrending sa social media ang larawan ng aspiring performer at viral sensation na si Xander Ford. Ito’y matapos ibahagi ng kanyang talent management Star Image ang larawan niya habang nagbubuhat ng weights sa isang gym. “Getting ready for summer,” ang naging caption ni Xander matapos niya itong i-share sa kanyang facebook. Ngunit mas binigyan pansin ng netizen ang kapal ng foundation na inilagay sa mukha ng dating Marlou Arizala. Inulan tuloy ng mga negatibong komento ang nasabing larawan matapos ito maipost.

Facebook Comments