YAKAPIN OFFICE NG LGU ILAGAN, TUTUTOK SA MENTAL HEALTH NG MAMAMAYAN

Nakatalaga ng pasinayaan ang Yakagin, Agbayan, Kausapin at Pakinggang Ilagueñong Nangangailangan (YAKAPIN) Office bilang ahensya ng LGU Ilagan na tututok sa mental health ng mga mamamayan.

Ayon sa naging panayam ng iFM Cauayan kay City Councilor Jayve Diaz, naaprubahan na sa ikatlo at huling pagdinig ang nabanggit na opisina noong Agosto 9, 2022.

Ukol sa manpower ng nasabing opisina, aniya nakapagsanay na ang mga personnel sa mga accredited psychometrician at psychologist.

Layunin ng nasabing pagtatayo ng opisina na tugunan ang kapakanan ng mga Ilagueños lalo na ang mga dumadaan sa mental health crisis at maiwasan ang insidente ng pagpapatiwakal

Samantala, katuwang sa nasabing pagdinig ang Committee on Laws and Ordinances, Committee on Youth and Development, Committee on Finance, Committee on Social Welfare and Development, and Committee on Health Services.

Facebook Comments