Yassi Pressman, ipinagtanggol ang kapatid na si Issa sa hiwalayang James-Nadine

4034
IG/@yassipressman

Pinabulaanan ni Yassi Pressman ang usap-usapan sa social media na ang kapatid niyang si Issa Pressman ang dahilan ng hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.

Sinabi ng Kapamilya star na walang balak pumatol sa isyu si Issa, pero hindi niya aniya kayang hayaang magpatuloy ang akusasyon laban sa kapatid.


“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya,” saad niya sa Instagram post nitong Miyerkules.

Kasabay ng kanyang pahayag ang litrato nila ni Nadine na magkasama na sinabi niyang, “This was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements.”

View this post on Instagram

Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo 😊 Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya. ~ this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. 😊 Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama.. Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They're not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick ~ We're all okay. Sana po kayo din. Let's respect everyone. 😊❤️

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Tinawanan lamang daw nila ang bali-balita noong una hanggang sa lumala na aniya’y “‘di na ‘yun tama.”

“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media,” saad ni Yassi.

Paala ng aktres, “They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information.”

Kasabay ng apela na irespeto ang bawat isa, iginiit ni Yassi na maayos ang relasyon nilang magkakaibigan at ng kapatid.

Sa pangalawang litrato sa Instagram post ay ang mensahe ng aktres na: “If you can tattoo on your body ALL the words you say online, would you be proud?”

Sinabi ni James at Nadine sa opisyal nilang pahayag, na nagdesisyon silang tapusin ang apat na taong relasyon para mapagtuunan ang career ng bawat isa.

Facebook Comments