Matagal nang pinaplano ng pamahalaan ang pagbibigay ng yearly COVID-19 vaccine shots o regular vaccination sa eligible population ng bansa.
Ayon kay DOH Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, handa ang gobyerno na magbigay ng taunang COVID-19 vaccine shots kung may sapat na pag-aaral na magsasabing ito ay kinakailangan.
Dagdag pa ni Vergeire na kabilang sa mga budget na naisumite sa Department of Health (DOH) na naaprubahan din ng Kongreso ay ang kailangang bakuna para sa iba’t ibang sektor ng lipunan gayundin ang karagdagag doses para sa mga Pilipino.
Matatandaang sinabi ng ilang mga eksperto sa ibang bansa na ang COVID-19 vaccination ay posibleng kailanganin sa yearly basis upang maging kontrolado ang virus.
Facebook Comments