Senado, hindi pa kumbinsido sa mga pahayag ni E-sabong operator Atong Ang

Hindi pa nakukumbinsi ni online o E-sabong operator Atong Ang ang Senate Committee on Public Order and Dangeous Drugs na mayroong conspiracy laban sa kanya at sa kanyang negosyo.

Ayon sa chairman ng komite na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, nananatiling alegasyon pa lang ang mga pahayag ni Ang.

Sabi ni Dela Rosa wala pang na-establish si Ang na solidong ebidensya para makumbinsi sila na may nakukuntsabahan laban sa kanya.


Una rito ay kinuwestyun ni Ang kung bakit tila nakasentro sa kanya at sa kanyang kompanya ang imbestigasyon sa pagkawala ng 34 na mga sabungero na konektado sa E-sabong.

Paliwanag ni Dela Rosa, kaya naka-tutok ang imbestigasyon sa kompanya ni Ang ay dahil sa mga arena na pagmamay-ari nito dinukot ang mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments