Mabilis nang natutunaw ang yelo sa Antarctica na magdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan bunsod ng man-made global warming.
Base sa pag-aaral ng U.S. Jounrnal na Proceedings of the National Academy of Sciences (PNAS), aabot na sa 252 billion na tonelada ng yelo ang natunaw sa naturang kontinente mula taong 2009 hanggang 2017.
Anim na beses ito na mas mabilis kumpara sa 40 billion na tonelada noong 1979 hanggang 1990.
Katumbas nito ang 13.2 millimeters o 0.5 inch na pagtaas sa sea level.
Sa taya ng mga eksperto, tumaas na ng 20 sentimetro o walong pulgada ang global sea level bunsod ng pagkalusaw ng yelo mula Greenland hanggang Antarctica, na magdudulot ng matinding pagbabaha sa mga baybayin ng Bangladesh hanggang sa Florida, U.S.A, maging sa mga siyudad ng London, U.K. At Shanghai, China.