Yeng at Yan, sini-celebrate ang kanilang 3rd wedding anniversary

22

Kasabay ng Valentine’s Day, sini-celebrate rin ni Yeng Constantino at ng kanyang asawa na si Yan Asuncion ang kanilang 3rd year wedding anniversary.
Nag-post sa Instagram si Yeng kung saan sinabi niya na best three years na kanyang buhay ang makasama ang kanyang asawa na si Yan.
“What an adventure! Excited to see more countries, swim more oceans, dream more dreams with Yan. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lakas at wisdom na binibigay Nya samin ni Yan,” sabi ni Yeng sa kanyang IG post.
Ikinasal ang dalawa sa Tagaytay noong 2015.

Facebook Comments