INC Executive Minister, itinalaga ni Pangulong Duterte sa isang puwesto sa gobyerno

225

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang posisyon ang lider ng Iglesia ni Cristo o INC.
Sa inilabas na Appointment Paper ng Malacañang ay ipinuwesto ni Pangulong Duterte si Eduardo Villanueva Manalo ang Executive Minister ng INC bilang Special Envoy of the President for the OFW Concerns.
Epektibo ang termino ni Manalo mula January 30 hanggang January 29 ng 2019.
Bukod kay Manalo, ay nagtalaga din si Pangulong Duterte ng mahigit 20 opisyal sa Department of Interior and Local Government habang isang Undersecretary naman sa Department of budget and Management sa katauhan ni Herman Billiones Jumilla.

Facebook Comments