Yeng Constantino, nakapagpiyansa na kasunod ng warrant of arrest sa kasong cyberlibel

Nakapagpiyansa na sa kasong cyberlibel ang singer na si Yeng Constantino matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa doctor ng kanyang asawa na si Esterlina Tan na naka-assign na sumuri sa Dapa Surigao Hospital.

Naaksidente kasi mula sa pag-ki-cliff diving ang kanyang asawa na si Victor “Yan” Asuncion noong nakaraang taon.

Matatandaang July 2019 nang mag-post ang singer ng isang video vlog kung saan, inireklamo ni Yeng ang pagkaka-delay at pagiging insensitive remarks ni Dr. Tan.


Sinabi naman ng Atty. ni Yeng na si Joji Alonso – naapprubahan na ang piyansa at iginiit na haharapin nila ang kasong isinampa sakaling makuha na nila ang buong detalye ng reklamo.

Sinabi naman ng Philippine Medical Association spokesperson and Chairman, PMA Commission on Ethics na si Dr. Bu C. Castro – na nakahanda silang pag-ayusin ang dalawang panig sa naturang kaso.

Facebook Comments