Meralco Bolts at Gin Kings, tabla sa best of seven finals ng PBA Governor’s Cup

Tumabla ang laban matapos makabawi ang Meralco Bolts sa best of seven finals ng PBA Governors Cup kontra Barangay Ginebra sa iskor na 104-102.

Nagpaulan ng 16 na three points ang mga manlalaro ng Meralco Bolts dahilan para mabawi nila ang pagkatalo sa game 1.

Nanguna sa koponan si Allen Durham na nagpakawala ng 21 points at 18 rebounds habang 17 points naman si Chris Newsome.


Naka-ambag din sa panalo ng Bolts ang 15 puntos si Raymund Almazan at si Baser Amer na nakapagtala ng 17 puntos.

Samantala, nasayang naman ang ginawang 35 points at 11 rebounds ni Justin Brownlee habang 23 points at 10 rebounds naman naitala ni Stanley Pringle para sa Ginebra.

Facebook Comments