Yeng Constantino – ready nang maging mommy

290

Manila, Philippines – Ready nang magka-baby ang singer na si Yeng Constantino, dalawang taon matapos silang ikasal ng mister na si Yan Asuncion.

Pero paglilinaw nito, hindi naman daw nila pinipilit na magkaanak agad.

Una nang sinabi ni Yeng na hindi pa sila handang magkaanak dahil na rin sa busy schedule.


Pero nagbago aniya ang kanyang isip na makita ang cute na baby picture ng kanyang mister.

Say pa ng singer, kung hindi siya mabubuntis ngayong taon ay pa-planuhin na talaga nila next year ang pagkakaroon ng baby na sana aniya ay matupad na matapos ang kanilang honeymoon sa Europe.

Facebook Comments