Russell Westbrook – waging MVP sa kauna-unahang NBA Awards Show

123

NBA – Wagi bilang NBA Most Valuable Player Si Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder sa kauna-unahang nba awards show.

Nakatunggali ni Westbrook sa nasabing parangal sina James Harden ng Houston Rockets at si Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs.

Inimbitahan pa ni Westbrook sa stage ang kanyang teammates nang tanggapin ang award sabay nagpasalamat siya sa mga ito at sa kanyang fans.


Nasungkit din niya ang Best Style at Game Winner of the Year Fan Awards.

Habang most improved player naman si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Rookie of the Year ang teammate nitong si Malcolm Brogdon.

Wagi rin si Golden State Forward Draymond Green bilang Defensive Player of the year at si Mike D’antoni ng Houston bilang Coach of the Year.



Facebook Comments