YES!!! BROWN-OUT na Naman sa CamSur Bukas October 28

Brown-out na naman sa mga lugar na sakop ng CASURECO 1 bukas, October 28, 2017. Ito ay ayon sa impormasyong ipinaabot ng management ng CASURECO 1 sa pamamagitan ni General Manager Ana Sylvia M. Alsisto.

Ang mga lugar na sakop ng CASURECO 1 na mawawalan ng supply ng kuryente ay ang mga bayan ng Lupi, Ragay, at Sipocot, at mga barangay ng Barcelonita, San Pedro at parte ng Biong sa bayan ng Cabusao at mga Barangay Nagkalit at Salvacion sa bayan ng Del Gallego, lahat sakop ng Camarines Sur.

Mawawalan ng power supply ang mga nabanggit na lugar mula alas 8 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi dahil sa gagawing “maintenance work of power transformer” ayon pa sa sulat na ipinaabot sa DWNX.


Magugunitang kamakalawa ay buong araw na brown-out sa iba pang bahagi ng CASURECO 1 area na sinundan naman ng brown-out din sa mga bayang sakop naman ng CASURECO 2 kahapon.

Habang sinusulat ang balitang ito, maraming mga DWNX listeners din ang nagpaabot ng mensahe at reklamo kaugnay din ng nararanasang brown-out sa ilang mga barangay sa Naga City.

Facebook Comments