‘YES TO NUCLEAR ENERGY’ SIGNATURE CAMPAIGN SA LABRADOR, DINADAGSA NG MGA RESIDENTE

Dinadagsa ng mga residente sa Labrador, Pangasinan ang signature campaign bilang pagpayag sa pagpapatayo ng Nuclear Power Plant sa lugar.

Sa pag-iikot ng lokal na pamahalaan sa bawat barangay, marami umano ang nakikiisa sa hangaring magkaroon ng mas murang kuryente mula sa nuclear energy at maaari pang makapagbigay ng kabuhayan sa mga residente.

Kabilang sa mga requirements ang photocopy ng Valid ID, lagda at notaryo na agad naman ibinibigay ang ibinibigay matapos lumagda.

Abiso naman ng lokal na pamahalaan na itago ang notaryo at sinumpaang salaysay ng pagsang-ayon dahil mahalaga umano ito sa oras na magsimula na ang pagpapatayo ng planta para sa karagdagang kabuhayan.

Kaakibat ng signature campaign ang information dissemination tungkol sa umano’y pagtatama ng maling pananaw ng publiko sa Nuclear Energy.

Bukod dito, inihayag rin ng tanggapan na walang dapat ikabahala ang publiko dahil iseselyado at ibabaon sa isang isla na malayo sa bayan ang nuclear waste na makokolekta mula sa ipapatayong planta.

Patuloy ang pag-iikot ng lokal na pamahalaan sa mga barangay upang bigyan ng pagkakataon ang mga sang-ayon na maihayag ang kanilang suporta tungo sa anila’y ‘malinis, ligtas, at maasahang pagkukunan ng kuryente’.

Facebook Comments