Cauayan City, Isabela- Matagumpay na natapos ang tatlong araw na Youth Leadership Summit (YLS) ng mga Sangguniang Kabataan (SK) officers ng bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya na isinagawa sa isang resort sa Lungsod ng Santiago.
Ito ay sa pangunguna ng tropa ng 86th Infantry Battalion sa pamumuno ni LTC Ali Alejo, Commanding Officer ng 86th IB katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng Bagabag at ng DILG Nueva Vizcaya.
Ito ang unang batch ng YLS ng bayan ng Bagabag na nilahukan ng 92 na mga SK Officers mula sa barangay ng nasabing bayan.
Layunin ng nasabing aktibidad na matulungan ang mga kabataan upang ipaintindi ang iba’t-ibang aspeto ng buhay, maturuan kung paano maging isang epektibong lider, paalalahanan tungkol sa ginagawang panghihikayat ng mga New People’s Army (NPA), awareness sa teenage pregnancy at iba pang mga aktibidad.
Layon din ng YLS na magabayan ang mga kabataan na siyang ‘pag-asa ng bayan’ tungo sa tamang paniniwala at ideolohiya.