‘You can’t even get my last name right’: Nadine Lustre, pinatutsadahan si Ricky Lo

Image from IG/James Reid

Nagsalita na si Nadine Lustre kaugnay sa usap-usapang hiwalay na sila ng kasintahang si James Reid.

Sa pamamagitan ng social media, mariing itinanggi ng Lustre ang isyung break-up na lumabas sa pahayagang The Philippine Star noong Sabado, Enero 4.

Pinatutsadahan din niya ang beteranong kolumnista na si Ricky Lo kaugnay sa artikulong isulat.


“First off, that was so low,” saad ni Lustre na binanggit ang pangalan ng mamamahayag at ng broadsheet/

“Second, none of what you said was true and it is never okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental illness is a very sensitive matter,” dugtong ng Kapamilya star.

Banat pa niya, mali ang apelyidong nalathala sa dyaryo. Imbis kasi na Lustre, Samonte raw ang nakalagay sa istorya.

Itinama kalaunan ng editorial staff ang impormasyon sa kanilang official website at social media page.

“And last, you think you know so much about me, you can’t even get my last name right. Anu na, 2020 na!”

Sa pahina ni Lo, kinumpirma niya ang ulat ni Jojo Gabinete sa PEP.ph na wala na sila Reid at Lustre.

Ayon pa sa batikang manunulat, maingat ang pagdala ng aktor sa hiwalayan dulot umano ng “mental illness” ng aktres.

Umaming magkarelasyon ang dalawa sa kanilang first major concert noong Pebrero 2016 at isiniwalat ni Reid na nagsasama na sila sa iisang bubong sa panayam ni Boy Abunda nitong nakaraang taon.

Facebook Comments