Babae, nasunog matapos sumabog ang vape pen sa bag

2637

Nagliyab ang isang babae sa California, US matapos sumabog ang vape pen sa loob ng kanyang bag, ayon sa pulisya.

Dala-dala ng hindi pa nakikilalang babae ang vape sa isang pharmacy sa Yucaipa noong Martes nang sumabog ito, ayon sa ulat ng KTLA.

Nagtamo ang biktima ng first- at second-degree burns sa halos 20 porsyento ng kanyang katawan.


Gula-gulanit ang damit ng biktima at may malaking butas naman sa dala niyang nasunog na bag.

Dinala ang babae sa burn treatment center, habang hindi pa malinaw ang sanhi ng pagsabog ng vape.

Facebook Comments