“You Do Note” girl lalabas sa teleseryeng ‘Kadenang Ginto’

2686
Screenshot via FB/Ryry Villacorta

Matapos maging viral dahil sa panggagaya niya sa iba’t-ibang eksena sa “Kadenang Ginto”, opisyal nang gaganap si “You Do Note” girl sa patok na teleserye sa hapon.

Kuwento ni Jojo Saguin, isa sa direktor ng soap-opera, dapat isasama nila si Marjorie, tunay nitong pangalan, bilang bagong estudyante sa paaralang pinapasukan nina Marga at Cassie, karakter na ginagampanan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.


Ngunit dahil siyam na taong gulang pa lamang ito, mahihirapan ito maging bahagi ng grupo nina Marga o Cassie.

Sa halip, magiging kapitbahay siya ni Romina sa palabas pero hindi pa binubunyag ng production team kung anong papel niya.

Maliban sa “Kadenang Ginto”, mapapanood din si Marjorie kasama ang “Gold Squad” sa episode ng Gandang Gabi Vice sa darating na Linggo, Hulyo 28.

Facebook Comments
From Advertisers