Young star na si Loisa Andalio, nagsalita na kaugnay sa isyu ng umanoy kanyang video scandal

Nagsalita na ang aktres na si Loisa Andalio matapos ang isang linggong pananhimik niya sa isyu ng umanoy kanyang  video scandal.

 

Nitong sabado, March 23 nang naging trending topic sa twitter ang pangalan ng 19-year old na dalaga dahil sa nasabing video pero wala namang makapagsabi kung authentic ba ito o kamukha lamang niya ang nasa video.

 

Mula nang pumutok ang balita, naging tahimik si Loisa at hindi nagparamdam sa kanyang followers sa instagram at twitter sa loob ng halos isang linggo.


 

Pero kagabi ay binasag na ng aktres ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng pag-post ng maikling mensahe sa twitter

 

Bagamat hindi direktang sinagot, makahulugan ang mensahe ni Loisa sa twitter kung saan sinabi nito na hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong Loisa.

 

Umani naman ito ng mga positibong komento mula sa netizens at maging sa kanyang celebrity friends tulad nina Alex Diaz, Moira Dela Torre, Fifth Solomon, Jane Oineza, at Ria Atayde.

Facebook Comments