Sa isang pulong na isinagawa ay masusing tinalakay at ni-review ng Technical Working Group (TWG) na s’yang nanguna sa pagbalangkas ng City Youth Development Code ang mga probisyon na nakapaloob dito.
Ang pulong ay pinangasiwaan nina City Councilors Hon. Freddie Ridao at Hon. Hassan Biruar, ang author at sponsor ng nabanggit na kodigo.
Tumatalima umano ang code sa mandato na kinikilala ng estado ang papel ng kabataan sa “nation-building” at nagpapalaganap sa proteksyon at kapakanan ng kabataan.
Magtitiyak din ito sa mahusay at dekalidad na pamumuhay ng kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng opurtunidad at access sa education, economic, civil, at political rights.
Matapos na masuring mabuti ang code ay ipapadala na ito sa Sanguniang Panlungsod para sa acceptance at review, pagkatapos ay sasailalim na ito sa serye ng mga pagbasa bago ang final approval.
Youth Development Code ng Cotabatp city, binalangkas!
Facebook Comments