Youth employment program ng pamahalaan, kabilang sa naapektuhan ng pandemya – DOLE

Inihayag ng Department of Labor and Employment na kabilang sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang youth employment program ng pamahalaan.

Batay sa datos ng DOLE, bumaba sa 42,055 ang bilang ng mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) noong 2020.
Higit na mas mababa ito kumpara sa naitalang 123,351 noong taong 2019.

Nakitaan din ng pagbaba sa bilang ng mga benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) kung saan 25,929 lamang kanilang naitala kumpara sa 45,121 noong 2019.


Paliwanag ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, hindi sapat ang pondo ng ahensya na nagmumula sa ilang pribadong sektor at lokal na pamahalaan.

Aniya, dito kasi nila kinukuha ang perang pangbayad sa serbisyo ng ilang kabataan.

Facebook Comments