Youth organization sa ARMM, pinarangalan ng TAYO!

Isa ang Bangsamoro Young Leaders-Basilan (BYL-Basilan) sa mga pinarangalan ngayong taon ng Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO).
Ang TAYO ay 15 taon na, ito ay award giving body na kumikilala at sumusuporta sa mga namumukod tangi, positibong ambag ng youth organizations sa kani-kanilang komunidad sa pamamagitan ng innovative at sustainable programs.
Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ang mga pagsisikap ng BYL-Basilan, kabilang din ito sa finalists at pinangalanang Spark Awardee sa Ideas Positive Run 7 ng Unilab Foundation last year.

Facebook Comments