Nangangalap pa ng mga impormasyon ang Philippine Embassy sa Jakarta hinggil sa mga Pilipinong posibleng naapektuhan ng malawakang pagbaha at mudslides sa West Sumatra, Indonesia.
Partikular na naapektuhan ng malawakang pagbaha ang Agam at Tanah Datar Districts malapit sa Padang , West Sumatra.
Tiniyak naman ng Department of Migrant Workers (DMW) na mino-monitor na ng kanilang Migrant Workers Office sa Singapore (MWO-SG), ang impact sa Overseas Filipino Worker (OFW) at sa Filipino communities ng flashflood sa West Sumatra.
Sa naturang kalamidad, umaabot na sa 37 ang nasawi habang may ilan pang mga nawawala.
Facebook Comments