Senado, binigyang pagpupugay at tiniyak ang suporta sa mga uniformed personnel at mga beterano ngayong Araw ng Kagitingan

Binigyang pagpupugay at pagkilala ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga uniformed personnel ngayong Araw ng Kagitingan.

Bilang miyembro ng Philippine Army Reserve Force, binigyang pagpupugay ni Zubiri ang lahat ng miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police dahil sa buong tapang na paglaban sa ating kalayaan at soberenya mula sa mga banta sa loob o labas man ng bansa.

This slideshow requires JavaScript.


 

 

Hinimok naman ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman Jinggoy Estrada ang pamahalaan na muling tiyakin ang pagbibigay ng suporta sa mga beterano at mga unipormadong tauhan na nagsilbi sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga ito ng kinakailangang resources, pagsasanay, at pangangalaga upang matupad nila ang kanilang marangal na misyon.

Binigyang saludo naman ni Senator Risa Hontiveros ang mga matatapang na Pilipino na patuloy na dumidepensa at pumoprotekta sa ating soberenya sa West Philippine Sea.

Hinikayat ni Hontiveros ang mga Pilipino at mga kapwa niya public servants na itaguyod ang ating karapatan sa teritoryo at patuloy na manindigan laban sa China.

Facebook Comments