YUMMY! | Tinapay na gawa sa insekto, binibenta sa Finlad

Finlad – Isang kumpanya sa Finlad ang nagsimulang magbenta ng mga tinapay na gawa sa insekto!

Ayon kay Juhani Sibakov, head ng Fazer bakery – kada isang piraso ng crickets bread ay gawa sa 70 pinatuyong insekto na mayaman daw sa fatty acids, calcium, iron at vitamin b12.

Pero hindi gaya ng pasas na buong nakakain sa cinnamon bread, ginagawang powder ang mga kuliglig saka ito inihahalo sa harina.


Sabi pa ni Sibakov, kailangan din ng tao ng bago at sustainable sources ng nutrisyon gaya ng mga insekto.

Bukod sa Finland, ginagamit ding sangkap sa mga produkto ng iba’t ibang bansa ang crickets.

Sa Switzerland, isang supermarket ang nagbebenta ng burger na gawa sa insekto, gayundin sa Belgium, Britain, Denmark at sa The Netherlands.

Facebook Comments