Z benefits ng PhilHealth, pinalawig para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

Pinalawig ng Philippine Health Insurance Corporation ang Z Benefits nito para sa orthopedic implants para magbigay tulong sa mga biktima ng 6.9 na lindol na tumama sa Cebu City.

Pinangunahan ito ni Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado na isa ring orthopedic surgeon ang approval ng kinakailangang policy adjustments para makasiguro na ang mga pasyente ay makatatanggap ng agarang tulong sa pamamagitan ng zero co-pay.

Kaugnay nito, agarang sinuportahan ng Philippine Orthopaedic Association (POA) at ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAPi) ang gagawing surgical services at hospital care sa mga biktima ng nasabing lindol.

Sa ilalim ng polisya na ito, mas marami nang hospital ang bibigyan ng provisional accreditation, ang mga accredited na doktor naman ay pwede nang mag-operate kahit sa labas ng kanilang mga pasilidad at ang mga ospital naman ay magkakaroon ng 120 days para mag-file ng claims para sa retroactive coverages.

Tiniyak naman ng PhilHealth na magiging handa sila sa oras ng krisis at makikipagtulungan sa mga professional socities at professional health care facilities para magbigay ng kritikal na tulong sa mga nangangailangan.

Facebook Comments