BAGYONG PAOLO, NAGDULOT NG MATINDING PAGBAHA SA TAYUG

Matinding pagbaha ang naranasan sa ilang barangay ng Tayug, Pangasinan matapos ang pananalasa ng Bagyong Paolo nitong ika-3 ng Oktubre.

Ilang kalsada at kabahayan ang pinasok ng tubig, partikular sa mga barangay ng Poblacion, Carriedo, Panganiban, at Magallanes.

Ayon sa mga residente, umabot pa umano hanggang dibdib ang baha sa Brgy. Amistad bunsod ng malakas na ulan.

Agaran namang rumesponde ang mga awtoridad at nailikas ang mga residente, na ngayon ay nakabalik na sa kani-kanilang tahanan.

Noong Huwebes, iniulat ng PAGASA na kabilang ang Tayug sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 2.

Samantala, patuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng lokal na pamahalaan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga katubigan ng Agno River, Ambayaoan River, Viray-Dipalo River, at Agno Bitong Creek upang maiwasan ang posibleng panganib dulot ng mga after-effects ng bagyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments