Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Zambales ngayong Linggo, Enero 30.
Naramdaman ito kaninang alas-8:17 ng umaga.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter ng lindol sa layong 169 kilometers Hilagang-kanluran ng bayan ng Palauig.
May lalim ito na 22 kilometers at tectonic ang origin.
Samantala, alas-8:21 rin kanina nang masundan ito ng magnitude 3.0.
Ayon sa PHIVOLCS, may aasahan pang mga aftershocks dahil sa lindol.
Facebook Comments