111 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa hanap ng PNP

Sumampa na sa 48,086 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos na madagdagan ng 111 ngayong araw.

Mas marami naman ang bilang ng bagong gumaling na nasa 207 para sa kabuuang 46,363.

Dahil dito, nasa 1,597 na lamang ang active cases o patuloy na nagpapagaling.


Nananatili naman sa 126 ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa virus.

Samantala, umabot na sa 3,528,796 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na madagdagan nang 17,382 kahapon.

Batay sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), 213,587 dito ang aktibong kaso.

Facebook Comments