Nagpasa ngayon ng resolusyon ang mga sakop ng Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte sa pangunguna ni Vice-Governor at Presiding Officer Atty. Senen O. Angles kaugnay sa hiling ni Gov. Roberto Y. Uy hinggil na sa pagbuo ng ikalawang batch ng Special Cafgu Active Auxiliary (SCAA) Program.
Si Presiding Officer Pro Tempore Julius C. Napigquit ang nanguna sa pagpasa ng resolusyon na humihiling kay Brigadier General Rolando Joselito D. Bautista, Commander, 1st Infantry (Tabak) Division, Philippine Army ng Pagadian City para sa bubuuing second batch ng Special Cafgu Active Auxiliary (SCAA) na ipapakalat sa buong lalawigan ng Zamboanga del Norte para tumulong sa mga otoridad sa kampanya laban sa kreminalidad, masasamang elemento o kaya’y mga terorista na planong maghasik ng kagulohan.
Nilinaw naman sa nasabing sulat ng gubernador na ang SCAA program ay isa sa mga prayoridad ngayon ng pamahalaang probinsyal para sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan katuwang ng PNP at militar sa lugar.
*
Zamboanga del Norte bubuo na naman ng isang batch ng SCAA na tutulong sa PNP at militar sa pagpapanatili sa kapayapaan sa lugar.
Facebook Comments