Zamboanga Del Norte, mapayapa ayon sa isang lider ng International Monitoring Team

Dipolog, Philippines – ‘Zamboanga Del Norte is the safest and the most

peaceful province in my area of responsibility compared to other provinces

like Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Basilan, Tawi-Tawi and Cotabato.’


Ito ang pahayag ni Col. Mohd Fazly Said, ang team site 3 leader ng

International Monitoring Team (IMT) na nag-representa sa bansang Malaysia

sa kanilang ginawang courtesy call kay Governor Roberto Y. Uy sa lalawigan

ng Zamboanga Del Norte.

Ayon kay Said, na sa wala pa silang natalaga bilang isa sa mga miyembro ng

monitoring team on peace process na madestino sa isla ng Mindanao,

pinag-aralan nila ang sitwasyon ng peace and order sa kanyang area of

responsibility at kanilang nakita na ang Zamboanga Del Norte ang siyang

pinaka-safe at tahimik kumpara sa ilang mga probinsya sa Mindanao.

Kasama rin ni Said si Malik Caril, isang sakop ng MILF core group at lider

ng coordinating committee on cessation of hostilities ng zambasulta area

para talakayin ang hinggil sa polisiya ng MILF sa pagtanggap ng anumang

proyekto mula sa gobyerno.

Sa kanilang paghaharap, nagkakaisa ang bawat panig na magtutulungan at

magsagawa ng isang dayalogo sa mga opisyal ng probinsya at MILF para

masiguro ang kapayapaan sa buong lalawigan.

Facebook Comments