Aabot sa 12 mga munisipyo ng ikatlong distrito sa lalawigan ng Zamboanga del Norte ang posible umanong mapasama sa bubuuing bagong probinsya kung maipasa na sa kongreso ang House Bill 5040 na naglalayong hatiin ang kasalukuyang lalawigan.
Sa sulat na ipinadala ni Zamboanga del Norte Congressman Isagani S. Amatong kay Zamboanga del Norte Vice-Gov. Atty. Senen O. Angeles nakasaad dito na naka-pending na ngayon para sa committee deliberation sa lower house ang House Bill 5040 na ngayo’y tinatalakay narin ng mga sakop ng Sangguniang Panlalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ang mga munisipyo na mapasama sa bagong probinsya ay ang Leon B. Postigo, Salug, Godod, Liloy, Tampilisan, Kalawit, Labason, Gutalac, Baliguian, Siocon, Sirawai at Sibuco lahat ay sakop ng ikatlong distrito ng Zamboanga del Norte at ang bagong probinsya ay tatawaging Zamboanga Hermosa.
Agad namang nagpasa ng isang resolusyon si Presiding Officer Pro Tempore Julius C. Napigquit para matalakay ang nasabing isyu at ipapatawag rin ang lahat ng mga mayor sa probinsya na siguradong maapektuhan sa nasabing plano.
Zamboanga del Norte planong hatiin sa dalawang probinsya.
Facebook Comments