Zamboanga del Sur di apektado sa Nationwide Transport Strike

Pagadian City, Zamboanga del Sur—Hindi apektado ang buong lalawigan ng Zamboanga del Sur sa ipinapatupad ngayon na Nationwide Transport Strike ng piling mga transport sector.
Simula pa kaninang umaga, walang grupo ang nagsasagawa ng kilos protesta sa Lungsod ng Pagadian di gaya ng ibang araw na may mga iilang grupo ang nagtitipon-tipon na mula pa sa ibat-ibang mga bayan sa lalawigan na pinapangunahan ng mga militanteng grupo.
Kahit walang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan, normal din ang araw ngayon para sa mga may opisina at bukas din ang lahat ng mga bangko sa buong siyudad.
Kahit wala niisang grupo ang nagsagawa ng kilos protesta upang labanan ang panawagang pagbubuwag sa mga lumang mga jeepney sa lansangan, nakaantabay parin ang maraming pwersa ng kapulisan at maging mga sundalo upang panatilihing ligtas ang siyudad laban sa mga mapagsalamtala.(Mel Coronel/dxpr News Team)

Facebook Comments