𝗔𝗟𝗟𝗜𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗘𝗥𝗡𝗘𝗗 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗔𝗡𝗚-𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡

Sinang-ayunan ng Alliance of Concerned Teachers Partylist ang naunang pahayag ng Comelec na pagbabawas ng bilang ng mga Partylist na sasabak sa paparating na 2025 midterm elections.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay ACT Partylist Representative France Castro, matagal na umano nilang hinihiling sa COMELEC ang nasabing hakbang dahil hindi naman lahat ng mga Partylist ay kumakatawan sa mga marginalized sectors.

Maging mga representative ng mga ibang Partylist, aniya, ay hindi din o kaya naman ay walang kinalaman sa Partylist na kinakatawan nila.

Samantala, kinontra naman ni Castro ang plano ng COMELEC na hindi na papayang sumabak ang mga Partylist na natalo ng dalawang sunod na election. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments