Zamboanga Family’s Brand Sardines kontra Manila Star – By: Gino Pipino

112

Makalipas ang sunud sunod na panalo, puspusan pa rin ang paghahanda ng Zamboanga Family’s Brand Sardines para tuluyang makapasok sa playoffs at makuha ang kampyonato ng MPBL Lakan Season.
Pero bago pa man ang napipintong pagpasok sa playoffs ng nasabing team, ay isang matinding pader muna ang kanilang susubukang gibain.
Ang binansagang “Power Trio” na kinabibilangan nila Chris Bitoon, Gab Espinas at Marvin Lee. Isa sa kilalang mabigat na team ngayon sa North Division ng MPBL ang Manila Stars Frontrow na nasa number 3 spot kung saan may 15-3 win/loss record. 
Pero kahit anong tibay pa man raw ng pader, ay susubukan pa rin ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ng South Division na makuha ang sunod na panalo sa liga ayon sa kanilang team manager Alvin Munio. Nasa number 5 spot na ang Zamboanga Family’s Brand Sardines na may 12-8 win/loss record.
Ang laro ng Zamboanga Family’s Brand Sardines kontra Manila Stars Frontrow ay gaganapin mamayang 6:30 ng gabi sa Navotas Sports Complex at mapapanood  Live ng MPBL official Fan Page at sa S&A sport channel.

Facebook Comments

From Advertisers