Sa Dagupan City, lalaki nagulungan ng truck,patay

Patay ang isang lalaki matapos itong magulungan ng truck sa barangay Bonuan Binloc Dagupan City.
Kinilala ang nasawi na si Leo Magalong, 27 anyos.
Ayon sa otoridad, nagkabanggaan ang motor na sinaksayan ng biktima at ng isang tricycle.
Dahil dito nahulog si Magalong sa kaniyang sinasakyang motor at nagulungan ang kaniyang ulo ng paparating na truck na minamaneho ni Eduardo Boado.
Sugatan din ang driver ng tricycle sa kaniyang binti matapos pumailalim ang kaniyang tricycle sa truck.
Maaring humarap sa kasong homicide at damage to property ang driver ng truck at ang driver ng tricycle. Photo Credit: John Ferrer

Facebook Comments