Zero Case sa Rabies sa 2019, Target ng Santiago City Veterinary Office!

*Santiago City- *Lalong tinututukan ngayon ng Santiago City Veterinary Office ang kanilang target na makuha ang Zero Case ng Rabis sa Lungsod ng Santiago ngayong darating na taong 2019.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Dr. Solomon Maylem, ang pinuno ng City Veterinary Office, inihayag nito na bumaba ngayong taon ang bilang ng mga kaso ng rabis sa lungsod.

Mayroon nalamang anya na isang porsyentong naitalang kaso ng rabis sa kanilang tanggapan at mangilan-ngilan nalamang ang mga ito kaya’t target nilang makamit ang zero case sa rabis sa susunod na taon.


Kaugnay nito ay patuloy ang kanilang pag-iikot sa mga barangay na sakop ng lungsod upang bisitahin at mabigyan ng bakuna ang mga aso.

Mahigpit din umano ang mandato ng naturang tanggapan kaugnay sa kanilang isinusulong na “ Aso Mo, Itali Mo Program” kung saan ay layunin nito na limitahan ang pagtaas ng bilang ng mga nakakagat ng aso.

Samantala, ibinahagi rin ni ginoong Maylem na tuwing araw ng biyernes ay mayroon silang Dog Park sa tapat ng City Hall at imbitado anya ang mga Santiagueños na dalhin ang mga alagang aso upang makisalamuha at mabigyan ng libreng konsultasyon, gamot at freebies.

Facebook Comments