ZERO CASUALTY SA AGNO MATAPOS ANG HOLY WEEK MONITORING

Nagtala ng zero casualty ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Agno sa isinagawang oplan semana santa o sumvac 2026 mula Abril 2 hanggang 5.

Ayon sa MDRRMO, walang naitalang kaso ng pagkakalunod, deadly jellyfish attacks, o iba pang insidente sa buong operasyon, na nagpapatunay sa maayos na paghahanda at koordinasyon ng lokal na pamahalaan.

Isinagawa ang pagbabantay alinsunod sa direktiba ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga first responders, iba’t ibang departamento at ahensya ng gobyerno, gayundin ang mga volunteer groups na nakaantabay sa mga pangunahing lugar sa bayan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga turista at residente.

Dagdag pa ng MDRRMO, malaking tulong ang maayos na koordinasyon ng mga ahensya at aktibong pakikipagtulungan ng mga turista upang mapanatili ang zero casualty sa panahon ng semana santa.

Aniya, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng kahalagahan ng maagang paghahanda, tamang pag-monitor sa mga pangunahing lugar, at sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad upang maiwasan ang anumang aksidente o panganib sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments