Kasabay ng pag kakaaproba sa senado at kongreso ng extension ng Martial Law sa buong Mindanao hanggang sa katapusan ng Decemeber 2018, nagpaabot rin ng kani kanilang pagsuporta ang mga residente at mga opisyales ng Cotabato City at Maguindanao.
Napakalaking tulong aniya ito lalo na sa pagpapanatili ng peace and order at tuluyang masugpo ang mga naghahasik ng kaguluhan sa lupang pangako ayon pa kay Buldon Mayor Abolais Manalao.
Simula aniya ng ipinatupad ang Martial Law noong buwan ng Mayo sa Mindanao nakapagtala ng Zero Crime Rate ang Buldon liban pa sa naayos ang lahat ng mga away pamilya sa buong bayan. Kanya kanya ring nag sauli ng mga armas ang mga naglalabang pamilya.
Pinasalamatan rin ni Mayor Manalao ang inisyatiba ng mga elemento ng 39th IB sa ilalim ng pamumuno ni Col. Florencio Pulitod at PNP Maguindanao Director SSupt. Agustin Tello na nagresulta sa pakikiisa ng lahat ng kanyang mga kababayan sa adbokasiya ni Presidente Rody Duterte.
Matatandaang isa sa itinuturing na war zone ay bayan ng Buldon sa mga nagdaang taon dahil na rin sa di pa awat na mga naglalabang pamilya.
Maliban sa Buldon, nauna ng nagpaabot ng kani kanilang isang daang porsyentong pagsuporta sa Martial Law Extension sa Mindanao si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani at Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Zero Crime Rate epekto ng Martial Law sa Buldon
Facebook Comments