Zero food waste, isinusulong ni Senator Loren Legarda sa Senado

Itutulak ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang panukala na magbabawas sa kagutuman ng mga mahihirap na Pilipino sa bansa.

Inihain ng senadora ang Senate Bill 240 o Zero Food Waste Act of 2022 kung saan ang mga sobrang pagkain mula sa mga food manufacturer, supermarkets, restaurants, cafeterias, hotels at iba pang food-related businesses ay ibibigay sa sektor na ‘food insecure’.

Layunin ng panukala na maiwasan ang pagsasayang ng pagkain at maibsan ang problema sa food security ng bansa.


Ang mga food business ay oobligahin ng pamahalaan na pumasok sa isang kontrata sa mga food banks upang maipamahagi ang mga natitirang pagkain.

Pinatitiyak din sa panukala na ang mga pagkain ay malinis at na sa maayos na kondisyon bago ito maihatid sa distribution center ng mga food banks.

Batay sa 2021 United Nations Environment Programme (UNEP) Food Waste Index Report, aabot sa 9,334,477 tonelada ng pagkain kada taon ang nasasayang ng bawat household sa bansa.

Facebook Comments