Manila, Philippines – Ikinaalarma ni Committee on Health Vice Chairperson Senator Risa Hontiveros ang natuklasan na sa proposed 2018 national budget ay walang nakalaan na pondo para sa mga gamot sa sakit na cancer.
Ayon kay Senator Hontiveros ang 378-million pesos ang nakalaang pondo para sa cancer medicine access program ng Department of Health ngayong 2017 pero naglaho ito sa panukalang pondo para sa susunod nataon.
Giit ni Hontiveros, hindi ito katanggap tanggap lalo pa at nasa ika-197 na ranggo ang pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng breast cancer.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Hontiveros na sa pagbabalik ng deliberasyon para sa budget ay itutulak niya na maibalik ang nararapat na pondo para sa mga gamot sa sakit na cancer.
Bago ito ay dinaluhan din ni Hontiveros ang event ng ICanserve Foundation, Philippine Cancer Society at Akbayan Women na naglalayong maitaas ang awareness o kaalaman ukol sa breast cancer.