ZERO RABIES DEATH RATE SA PANGASINAN, TINUTUTUKAN

Tinututukan ng Rabies Prevention and Control Program ng Provincial Health Office ang ilang mga barangay sa Alaminos City.
Ayon kay Jordan Vince Cruz ng DOH-Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, mayroong sampung (10) cases of rabies death ang probinsya mula Enero hanggang Disyembre taong 2021, habang pito (7) kaso naman sa taong kasalukuyan.
Ang rabies ay mula sa “lyssavirus” na kadalasang nakukuha sa kagat ng aso at pusa. Nakapagtala ang World Health Organization (WHO) ng animnapu’t libong (60,000) rabies death kada taon.

Paalala ng ahensya na walang gamot sa rabies kapag kumalat ang impeksyon kung kaya’t mahalaga na ipabakuna ang mga alagang hayop.
Samantala, isinagawa ang isang Veterinary Medical Mission sa nasabing lugar at nabigyan ng veterinary services ang mga aso’t pusa.
Umabot sa 125 ang naturukan ng rabies vaccine, 135 ang pinurga, may 143 vitamin administration, 54 spay/ligate of cats at 37 cats and dogs’ castrations. Layunin ng aktibidad na ito na makamit ang zero rabies death rate sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments