PASILEW ED PLAZA SA BAYAN NG STA. BARBARA, PINAILAWAN NA

Ramdam na ang pagsalubong sa kapaskuhan sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan matapos ang matagumpay na Pasilew ed Plaza lighting ceremony nitong Martes (October 11, 2022).
Tampok ngayong taon ang Singapore Gardens by the Bay inspired na pailaw sa mga gusali sa plaza ng Sta. Barbara.
Inaasahan na dadagsain ng mga bisita ang nasabing pailaw lalo na Singapore vibes na handog nito. Maliban naman dito, pinailawan na rin ang christmas tunnel at christmas garden sa nasabing bayan.

Ang Sta. Barbara ang naunang magkaroon ng paskong pailaw ngayong taon. |ifmnews
Facebook Comments