Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang akusasyong may “grand conspiracy” sa kanilang hanay.
Ayon kay PNP Acting PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, patuloy na ipinatutupad sa hanay ng Pambansang Pulisya ang zero-tolerance policy laban sa anumang uri ng katiwalian.
Patuloy rin aniyang tinutugunan ng PNP ang mga alegasyon ng katiwalian sa pamamagitan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group, Internal Affairs Service, at iba pang investigative units ng PNP.
Muli ring iginiit ng PNP ang kanilang misyon na magsilbi at protektahan ang sambayanang Pilipino, habang tinitiyak ang transparency, at paggalang sa batas.
Facebook Comments