ZERO TOLERANCE SA INUMAN SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR SA SAN FABIAN, IPINATUTUPAD

Muling iginiit ng mga awtoridad sa San Fabian, Pangasinan ang zero-tolerance sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar sa ilalim ng umiiral na ordinansa.

Sa ilalim ng nilagdaang kautusan, lahat ng uri ng inuming nakalalasing ay ipinagbabawal sa mga palengke, plaza, kalsada at mga lugar na madalas puntahan ng publiko.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng hakbang para pigilan ang gulo, aksidente at kalat na iniuugnay sa paglalasing.

Nilinaw naman na may “exception” sa panahon ng pista at mga aprubadong okasyon kung saan maaaring pahintulutan ang pag-inom.

Nanawagan din ang kapulisan sa publiko ng kooperasyon sa striktong pagpapatupad dahil may karampatang parusa sa sinumang susuway. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments