Zero-waste canteen, bubuksan sa isang paaralan sa Negros Occidental

Bubuksan sa isang paaralan sa Negros Occidental ang zero-waste canteen na layong paigtingin ang kampanya para sa pangangalaga ng kapiligiran at kalikasan.

Mga baso na gawa sa kawayan, at mga bowl na mula naman sa bao ang ilan lamang sa mga proyekto ng mga estudyante ng Bulata National High School para sa inilunsad na zero-waste canteen.

Bilang kampanya naman laban sa plastic, isinusulong ng pamunuan ng eskuwelahan ang paggamit ng biodegradable, indigenous at reusable material.


Ayon sa principal ng paaralan na si Eiggy Duller Yap, hangad nilang magsilbing modelo at inspirasyon sa iba pang paaralan na gawin ang zero-waste school canteen.

“Sa other schools, I hope it will inspire them. It is one of the models in solving problem sa plastic and at the same time, it’s not only solving plastic, it’s also making our children healthy,” ani Yap.

Mabibigyang atensyon din ang kalusugan ng halos 400 estudyante at guro dahil makabibili ng sariwa at locally-produced na pagkain sa canteen, na magbubukas na sa Hulyo.

Facebook Comments